Patay Proporsyon

Isa sa mga matagal nang banda sa working class underground dito sa Pinas ang Killratio.

Pinalad akong mapanuod sila noong kalagitnaan ng mga taon sa 2000s na kasama pa ang mga orihinal (sa tingin ko) na mga miyembrong Kimmi (bass) at Boyet (gitara) sa ilang mga gigs pero sa ngayon wala na sa banda si Boyet at Kimmi, at sina Zepol (vocals) at Dane (gitara) nalang ang mga natitirang orihinal na mga miyembro.

Hindi ko sila kilala ng personal pero nagugustuhan ko ang ilang mga katangian ng banda na:

1. matinding matalinong liriko
2. madilim at mabigat na hardcore
3. Atheist views
4. naglabas muna ng mga demo bago tshirts

Kaso maliban sa isang apat na bandang split CD na inilabas noong 1973, wala pang sariling labas na musika ang Killratio. CDR at home-based dubbed tapes, madami, pero sariling vinyl o CD wala.

Ang daming mga baduy at hindi makabuluhang banda nilalabas sa vinyl sa panahon ngayon, pero itong Killratio hindi pinapansin.

Marahil tunay ang kasabihang, "Shit sells."


Well
, Good Shit ang Killratio kaya hindi sila "mabenta."

Ang Pinakamalupit na Pinoy Doom (hindi banyaga na banda) 7" na ilalabas sa Pinas ngayong 2015...

...ay proyekto ng isang banda, Delusion of Terror Records, at Pojax Records. 

'Pag fan ka ng Grief, Eyehategod, 13, Dystopia, Buzzoven, -(16)-, Cough, Windhand, Church Of Misery, putang-inang Pentagram, saka ng putang-inang Saint Vitus (uulitin ko, ng putang-inang Saint Vitus), magugustuhan mo itong bagong 7" na ito. 

Kung hindi ka pamilyar sa mga bandang yan, o tipong narinig mo na yang mga bandang yan dati pero HINDI MO NAGUSTUHAN, napakalaki ang tsansa na HINDI mo magugustuhan itong bagong 7" na tinutukoy ko. Tangina mo, poser.

PERO....para sa mga tagapakinig at TUNAY NA FANS ng Sludge at Doom, malapit na ito, mga kadre, i-ready nyo lang mga turntable nyo.

Saka pala hindi kontrolado ng Pojax Records at Delusion of Terror Records ang schedule at tunraround time ng lintek na planta ng mga plaka (vinyl record pressing plant) na kinontrata nila para sa proyektong ito kaya kung 2016 na ito mailabas eh wala silang (DOT at Pojax Kvlt) pakielam sa opinyon ng iba, lalo na ng mga posers (
Tangina nyo talaga, mga poser). 

P.S. Hindi Sludge ang Neurosis. Poser, 'namo. 

Grindcore At Dahas Sa Kalagitnaan Ng Dekada Nubenta

Brutal Truth/Spazz split 7"
(Deep Six Records)


Napakaraming importante at classic na records ang nailabas noong 1990s. Maaari na sabihinh iyong matitinding grindcore na mga hit team ay naglipana noong panahon na iyon. Kelangan ko pa ba mag-banggit ng mga pangalan? Putang ina sige: Discordance Axis, Plucocracy, saka Brutal Truth. Walang tulak-kabigin na halos lahat ng inilabas ng mga putang inang mga yan, matitindi (lalo na ang Discordance Axis).

Hindi ko ganun natripan ang Brutal Truth, pero okay saken yung unang album nilang Extreme Conditions Demand Extreme Responses, na nag-diwang na ng ika-dalawampu kaarawan sa taong 2012. Medyo mag-kaiba yung bagsakan ng grindcore ng Brutal Truth kesa sa Discordance Axis o Plucocracy, may mga banatan kasi silang masasabing naimpluwensiyahan ng hardcore ren.

                

Sikat na sikat ang Spazz mag-pa sa hanggang ngayon. Ilang tao ang makikita mo sa buong mundo na nagsusuot ng t-shirt na may pangalang SPAZZ? (karamihan kasi rito booltleg na eh) Madami. Okay sa akin ang Spazz pero sa tingin ko lang ha hindi sila kasing bangis ng Crossed Out o No Comment, mga bandang halos kasabayan ren nila lumabas. (sabi ko "halos" ha, baka may mga kupal na putang inang magmamarunong na mambara saken...hindi ako todo tagasubaybay ng Spazz)

Isa sa mga magagandang nangyari noong sa kalagitnaan ng 1990s eh ang kolaborasyong ng Brutal Truth at Spazz sa split 7" na ito. Orihinal na inilabas ng Bovine Records (ata, hindi ko sigurado), ini-reissue ng maaasahang Deep Six Records (taga CA, USA) itong fine split 7" na ito.

Magiging bias ako rito: mas superior ang musika at lyrics ng Brutal Truth kesa sa Spazz sa split 7" na'to
. Malinaw na may matinding interest ang Brutal Truth sa mga bagay na pang-lipunan at politikal samantalang ang Spazz naman eh may pagka-humorous ang dating. Hindi ko sinasabi na panget o sablay ang Spazz, sa katunayan okay naman sila, yun lang eh mas nagustuhan ko talaga ang tatlong kanta ng Brutal Truth kesa sa tatlong kanta ng Spazz rito, mas animal ang dating, mapangahas at puno ng galit, samantalang mapapa-talon ka sa tuwa sa bagsakan ng Spazz.

Itong split 7" na ito ay isang napaka-gandang ehemplo kung bakit impluwensiyal pa ren ang musika ng dekada 1990s. Umiskor na ng kopya.

Hindi Lahat Ng Mabigat, Ma-Kolesterol at Hindi Lahat Ng "Blackened" Eh Madumi...

Unearthly Trance/Aldebaran split 7”
(Parasitic Records)


Merong kasabihan sa Ingles na, “human beings fear what they do not understand.” Okey, hindi saktong ganyan pero sa Tagalog, ang tao ay takot sa mga bagay na hindi niya lubusang maunawaan. Lahat tayo eh ganyan, kung hindi man eh, nangyari sa atin yan.   Sa kinalakihan kong barangay, ang dalawang nangungunang mga panakot sa mga bata ay:

A) “Wag ka pupunta sa kanto, kukuhain ka ng Bumbay!” 
B) “Gabi na, wag ka na lumabas may mumu!”
Halos tatlong dekada na akong nabubuhay at saying dalawang iyan, mula sa aking pag-kabata hanggang sa ngayon, eh hindi nawawala.  Siguro nga may naka-kabit na mentalidad na phenomena ang pag-katakot ng tao sa mga bagay na hindi niya alam.

Ganyan rin ang Doom. Hindi ako purist na Doom fan pero nakikinig ako ng mga madaming sub-genre neto tulad ng Funeral Doom (Loss), Awesome Doom (Yob), at Traditional Doom (Ocean o Asunder). Siguro medyo malayo o sablay pag-papaliwanag ko sa mga kategoryang iyan at mga banda pero ang hindi ako sasabit eh napaka-bigat ng Aldebaran. Mabigat pa sila sa pinagsama-samang taba ng mga putang-inang matatabang fashionistang call center agents sa Makati. Taga Oregon sa USA ang Aldebaran at yung isang kanta nila sa split 7” na ito eh lima’t-kalahating minute ng napakabigat na Doom. Kulang ang isang forklift para lubusang mabuhat ng pagunawa ang tindi ng kanta nilang, “Sorceries of Plague” rito. Ito ang kagandahan sa Dooom, hindi ito sikat, hindi ito pam-papogi at lalong lalo nang hindi ito para sa mga putang-inang spoiled-brats na mayayaman na kunwari hardcore kasi may t-shirt sila ng ganung banda at ganung record label. Okey saken yun, kasi sa isang tulad kong madaming problema sa buhay at pumapasok ng trabaho, lubusan kong nararamdaman ang pang-araw araw na…anu pa putang ama, eh di doom?

Terno na kaparehas ng Aldebaran rito sa 45RPM na ito ang nakakalungkot-na-sumakabilang-buhay-na na Unearthly Trance. Madami nako nabasang sulatin kung saan na-diss ang bandang ito. Nabansagang corny o marahil masayadong iba para sa panlasa ng magaling na taong Gorilla Biscuits o Youth of Today lang ang pinapakinggan mula edad disi-sais hanggang sa siya’y tumanda na. Nakakalungkot pero ika nga sa Ingles, “serves them right!

Dalawang pinaitimang maitim na bakal na walang pag-asa ang hatid ng Unearthly Trance rito (blackened Black Metal Doom sa Ingles) at yung orihinal nilang “Obscene Truth” eh talaga nga namang nakakapagpataas balahibo sa bangis. Pero ang pinakapaborito ko sa split 7” na ito eh ang pag-cover ng Unearthly Trance sa His Hero Is Gone na kantang “Headless/Heartless.”

His Hero Is Gone. Kinover. Ng Unearthly Trance.

I rest my case your honor.
P.S. Matindi pa rito s split 7" na ito eh kapwa may heavy-duty sticker ang Aldebaran at Unearthly Trance

                          

Helter Iskelter na "Blackened Doom" at Chongke Hippie-Core

Unearthly Trance/Wooden Wand split 7"
(Chrome Peeler Records)

Isa sa mga pinaka-maimpluwensiyang tao sa kasaysayan ng Amerika sa huling 100 taon si Charles Manson, at hindi lamang impluwensiya sa lipunan, pati sa sining at musika rin.

Si Charles Manson ang masasabing messiah ng mga naglipanang Holy Terror bands katulad ng Integrity, Integrity, at Integrity. Okay naman ang Integrity, pati nga ang Pulling Teeth (tang-ina, Holy Terror ba ang Pulling Teeth? Ewan, basta okay sila para sa'ken), pero ang mga ideya at buhay ni Charles Manson ay maituturing na mumunting mga buto (seeds sa English) sa umusbong na genre ng musikang ito.
At dahil diyan, hinding hindi Holy Terror Hardcore ang Unearhtly Trance at Wooden Wand. Itong napakalupet na split 7" nila ay parehong Charles Manson covers. Oo, si Charles Manson ay isang song-writer rin, sa katunayan eh may albums na rin siyang nai-record.

Isa sa mga sinusubaybayan kong banda ang Unearthly Trance. Hindi kasi kupal, hindi rin sila baduy. Ewan ko ba, may mga taong hindi masakyan ang Unearthly Trance tulad nung katrabaho kong dating si Gerald. Kupal eh. Sisiraan pa ang Unearthly Trance, pero yung mga trip naman niyang musika eh putang ina magkakatunog, pwe! Ang Unearthly Trance ay power-trio, parang Nirvana kumbaga: drummer, bassist, at guitarist/vocalist.

Sa side ng Unearthly Trance sa splti na'to, kinover nila ang "People Say I'm No Good" at puta, ang lupet. Bakit? Yung string-section ng banda, yun lang ginawa at effects at samples, tapos yung kumanta, yung drummer. Hebigat shit ito, putang ina talaga.

Ang Wooden Wand naman eh mga collective ng mga malakas mag-chongke at mag-orgy na banda. Hehehe! Biro lang, hindi sila nag-chochongke, liquified drugs lang pero tangina ganunpaman, nabigyan nila ng matinding rendisyon yung "Get On Home" ni Manson (Charles, hindi Marilyn, tanginang yan).


Limitado sa 200 piraso itong split 7" na ito kaya gudlak na lang sa inyong mga gustong makakuha neto. Nabili ko yung saken sa Quiapo malapit sa Isetann Recto. Bagong bago syempre. Sulit ito.

P.S. Kung nakikinig ka ng Holy Terror Hardcore pagkatapos eh ayaw mo yung Unearthly Trance eh...God bless you. (pffft)

LONG LIVE Unearthly Trance (2000-2012)

Panimula

Mahilig ako sa mga pitong-pulgadang vinyl. Ito ang blog ko tungkol sa kanila. Masarap makinig ng mga pitong-pulgadang vinyl lalo na kung sarili mo yung turntable mo.

Ano ang layunin ng blog na ito? Mag-angas? HINDI, kundi nais lang ipahatid ng blog na ito na sa panahon ng malawakang pag-dodownload ng mga tao (tae) sa musika, eh isa pa rin na napaka-banal na gawain ang makinig ng plaka. Ng vinyl.

Wala akong paki-elam kung rare o napakamahal ng 7" mo; mas mabuti pang makipag-usap sa kapwa mahilig sa MUSIKA kesa sa mayabang na 'tado. Di ba?



Ayun.


Hails to Vinyl!