Hindi Lahat Ng Mabigat, Ma-Kolesterol at Hindi Lahat Ng "Blackened" Eh Madumi...

Unearthly Trance/Aldebaran split 7”
(Parasitic Records)


Merong kasabihan sa Ingles na, “human beings fear what they do not understand.” Okey, hindi saktong ganyan pero sa Tagalog, ang tao ay takot sa mga bagay na hindi niya lubusang maunawaan. Lahat tayo eh ganyan, kung hindi man eh, nangyari sa atin yan.   Sa kinalakihan kong barangay, ang dalawang nangungunang mga panakot sa mga bata ay:

A) “Wag ka pupunta sa kanto, kukuhain ka ng Bumbay!” 
B) “Gabi na, wag ka na lumabas may mumu!”
Halos tatlong dekada na akong nabubuhay at saying dalawang iyan, mula sa aking pag-kabata hanggang sa ngayon, eh hindi nawawala.  Siguro nga may naka-kabit na mentalidad na phenomena ang pag-katakot ng tao sa mga bagay na hindi niya alam.

Ganyan rin ang Doom. Hindi ako purist na Doom fan pero nakikinig ako ng mga madaming sub-genre neto tulad ng Funeral Doom (Loss), Awesome Doom (Yob), at Traditional Doom (Ocean o Asunder). Siguro medyo malayo o sablay pag-papaliwanag ko sa mga kategoryang iyan at mga banda pero ang hindi ako sasabit eh napaka-bigat ng Aldebaran. Mabigat pa sila sa pinagsama-samang taba ng mga putang-inang matatabang fashionistang call center agents sa Makati. Taga Oregon sa USA ang Aldebaran at yung isang kanta nila sa split 7” na ito eh lima’t-kalahating minute ng napakabigat na Doom. Kulang ang isang forklift para lubusang mabuhat ng pagunawa ang tindi ng kanta nilang, “Sorceries of Plague” rito. Ito ang kagandahan sa Dooom, hindi ito sikat, hindi ito pam-papogi at lalong lalo nang hindi ito para sa mga putang-inang spoiled-brats na mayayaman na kunwari hardcore kasi may t-shirt sila ng ganung banda at ganung record label. Okey saken yun, kasi sa isang tulad kong madaming problema sa buhay at pumapasok ng trabaho, lubusan kong nararamdaman ang pang-araw araw na…anu pa putang ama, eh di doom?

Terno na kaparehas ng Aldebaran rito sa 45RPM na ito ang nakakalungkot-na-sumakabilang-buhay-na na Unearthly Trance. Madami nako nabasang sulatin kung saan na-diss ang bandang ito. Nabansagang corny o marahil masayadong iba para sa panlasa ng magaling na taong Gorilla Biscuits o Youth of Today lang ang pinapakinggan mula edad disi-sais hanggang sa siya’y tumanda na. Nakakalungkot pero ika nga sa Ingles, “serves them right!

Dalawang pinaitimang maitim na bakal na walang pag-asa ang hatid ng Unearthly Trance rito (blackened Black Metal Doom sa Ingles) at yung orihinal nilang “Obscene Truth” eh talaga nga namang nakakapagpataas balahibo sa bangis. Pero ang pinakapaborito ko sa split 7” na ito eh ang pag-cover ng Unearthly Trance sa His Hero Is Gone na kantang “Headless/Heartless.”

His Hero Is Gone. Kinover. Ng Unearthly Trance.

I rest my case your honor.
P.S. Matindi pa rito s split 7" na ito eh kapwa may heavy-duty sticker ang Aldebaran at Unearthly Trance